Limang araw pagkatapos ng lab test, tsaka lang nagkatime para pick-upin yung results. Plano ko lang talaga nung araw na yun e kunin ang result for formality’s sake. Malay ko bang may makikita akong ibang nakasulat dun. Reaksyon ko pagkabasa: “Ano daw? Tama ba to?” sabay kuha ng LOA para magpa check-up.