The Day I Lost Senses

The day na nakuha ko na yung results at nalaman ko kung bakit ako inuubo na ng pagkatagal-tagal, kalmado naman ako. Normal lang. Ika nga, that’s life! Pero on the 3rd day of my medication, bumigay na agad ako. Somehow physically kasi nanghihina talaga ako sa gamot ko (apparently overdosage pala). Secondly, naging emotional lang talaga? Emotional kasi nakaramdam ako ng hirap? That time, ang bigat ng pakiramdam ko. Yung pakiramdam na pinagbuhat ka ng isang sako ng bigas hanggang 3rd fr(kahit di ko pa naranasan magbuhat ng isang sako). Yung feeling na ang gusto mo lang gawin ay mahiga at ipikit ang mga mata mo. Naka work from home na ako nun. Muntik ko na di maisip na pwede naman akong early out. May sakit nga ako diba? Nagpupumilit lang magtrabaho.

So ayun, sakit ng katawan. Di ma-iexplain na pagod (nasa bahay lang ako at nakaharap sa laptop) tapos naiisip ko pa yung 6 months treatment. Ang tagal lang! Nakakaiyak. At para bang hindi pa talaga fully nagsisink. Tapos yung fact na ang hina pala talaga ngayon ng resistensya ko!

Parang di ko kasi matanggap na ako pa yung mahina ang resistensya. Hindi ako nagyoyosi. Hindi ako umiinom. Active lifestyle naman ako(chos). Hindi ako nagpapagod. Fine. Scratch that. At dahil sa hindi kapanipaniwalang mahina ang resistensa ko.. napapa RCA tuloy ako.

Kulang sa tulog? Fine… since before pa ako ma-oshore, medyo puyatpuyatan na rin ang lola mo. Kuha ng ganito ganyang requirements. Gising maaga, trabaho tapos charged to OT. O-TY.

Onshore – 1st few weeks ok pa naman. Pero nung mag go live. ahahahay. Daming tickets. Umaapaw. Bongga lang sa OT.

Stress level to the highest power. Escalated tickets. Sabi ng nila, Half empty Half full. Depende kung pano mo sya titingnan. Mindsetting ba. So humahalf full mindsetting ako. “Ok lang yan, ngayon lang yan.” Gusto ko gumaling sa SAP diba? O ayan, sige, ginusto ko yan e. Stress level to the highest power talaga. Isama na din ang energy sa pag intindi ng mga bagay bagay na first time naman na-eencounter. Energy pa sa pakikisama sa mga tao. Energy sa pagfoformulate ng english kasi nakakainis na para bang hindi mo maixpress yung gusto mo talaga sabihin sa kanila? Yung di ka nila magets?

And maybe because it was one of my lowest. I pitied myself because I can’t do anything to undo things.. and that I cant help myself but cry.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s