Check-Up Experiences

Isa talaga sa mga dahilan kung bakit nakakatamad magpacheck-up tapos ang nararamdaman mo lang naman e simpleng ubo at sipon – una, lahat ng naencounter ko ko na mga secretaries e masusungit. Yung magpapalista ka pa lang naman o magtatanong lang, kung makasagot e parang nasa defensive state lagi? High pitch at ready to battle.

Pangalawa, HMO doctors na makatanong lang. No offense pero kasi naexperience ko na din yung ang haba haba ng pinila ko tapos tinanong lang ako ng kung ano ano. Hindi nga ata ako inexamin e.. tas reresetahan lang ng Bioflu? Maapreciate ko pa sana kung medyo inenlighten pa ko ano possible reasons bkit ako inuubo at sinisipon ng mga panahong ‘yun at ano ang mga dapat kong gawin para gumaling… kaso wala.

Advice ko lang talaga, lalo na lung naka HMO card ka naman.. Hwag katamaran ang pagpapacheckup. Magpasama kung mahina ang loob mo na parang ako na madaling maapektuhan ng mga masusungit na secretaries. Magpasama kasi kung hindi ka naman lagi nagpapacheckup, baka mabadtrip ka lang sa kung ano anong proseso at haba ng pila. Mas maganda nang may napaglalabasan ng sama ng loob o kaya may handang magtanggol sayo kapag may mga magsusungit sayo. Huwag pabayaan ang sarili. Mas ok nang nacheck up, kesa sasabihin sayo ng doctor kapag malala ka na, bakit ngayon ka lang nag pacheck-up? Ika nga, Health is wealth.

Annual physical exams: kahit nakakatamad kasi yung mga doctor na nakakausap mo e parang pagod na pagod lagi at di nageenjoy sa trabaho nila. I’m trying to uderstand them naman kasi sa lagay nila.. kahit di sila mag-effort e darating at darating ang pasyente? or dahil sa dami ng nakakausap nila na pasyente, minsan tinatamad na talaga sila. Para bang gusto lang nila matapos yung line up of patients sa araw na yun. Macocompare mo talaga sa mga doktor na hindi naman under HMO. Basta, importante mag pa APE. For some companies, IR katapat mo kapag hindi ka nag pa-APE. Hindi ko rin to na-aapreciate dati, but now I know, may sense din naman yung mga lab exams. Nakikita dun kung meron kang results na above or below normal. Kahit na papasadahan lang yan ng mga doktor. So yes, take you APEs! πŸ™‚

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s