COVID-19 Diaries Day 29 Long Weekend

Day 29 of CQ. Day 27 of ECQ.

Sunday. Easter Sunday. Last day of the long weekend.

Ang bilis lang ng araw. Feeling ko ang bilis kasi siguro kasi di ganon kaproductive? Madami naman ako nagawa. Or dahil ba hindi ganun kafulfilling yung naging weekend.

Linggo ng Pagkabuhay. Lord, thank you po for everything but most importantly for giving us your life kapalit ng lahat ng aming kasalanan.

Lord, patawarin nyo po kami sa aming mga kasalanan. Tulungan mo po kami makacope up sa epidemyang kinakaharap namin.

Bigla ko lang naisip, isulat ko kaya lahat ng mga pinag gagawa ko per day. Almost isang buwan na yung nagdaan, pero parang wala ako masyado maalala, parang dumadaan lang yung araw.

Nakakasanay na rin tong quarantine life ah.

Hmm.. nung isang araw, nareceive namin yung 1000 cash assistance from Yorme Isko. Amazing lang kasi like a few nights before, nabalitaan ko yung sa facebook.. pero never ako nag expect. Una, di naman kami registered voters dito. Di ko nga kilala yung name ng brgy captain dito. hehe. Ayun, tumawag ung guard sa baba at andun daw mga taga brgy. So pumila kami, naka mask, social distancing, tapos si Kap yata ung nag abot =)). Nakakatuwa lang si Yorme.

Inayos ko rin pala yung work area ko. For the past few weeks, kung saan saan lang talaga ako nagwowork. Ang hirap, di ako makatagal. So, napaorder ako ng computer table. Okay na rin, 3 weeks pa ung work from home.

Tapos during this long weekend, supposedly gagawa ako ng Financial Plan ko. pero as usual, daling madistract. Skip Skip hanggang napaopen ako ng mga luma ko blogs na halos di ko na sila marecognize =)) haha. dami ko palang mga pinag susulat dati. Merong pang kdrama reviews, merong pang SAP Support, merong pang travel. Iba pa yung personal. Nakakatuwa. tapos naisip ko lang, bakit di ko pa talaga pinupurse yung imonetize ung mga blogs. So ayun, gumawa na naman ako ulit ng bago. Pero this time, gusto ko ng madali at mabilis gawan ng content. So.. ito ang naproduce ko: https://thehowtosofus.blogspot.com/

Tapos, collab daw kami ni Dom. Nilipat ko sa ung posts sa domain nya. http://www.techyjuan.ph/category/how-tos/

First time ko maggrocery sa supermarket since ECQ. Haba pila.

OKay na rin, naging occupied din naman kahit papaano.

Advertisement

One thought on “COVID-19 Diaries Day 29 Long Weekend

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s