Hey, google.

“Hey Google, who is the president of the Philippines?”

Disclaimer: This is not a political post.

Sa mga araw na di ako nakakapagtimpi, ito ang linyahan ko na pinaparinig ko kay Mama. Mga pagkakataong mas nangingibabaw ang inis kesa sa pag-intindi.

Sinungaling daw ang Google. Archives daw ang tanungin sabay bukas ng bentilador na tila ba nasa harapan lang nya ang pruweba.

Since 2017 pa daw nya inaantay yung “appointment” nya. Sya daw kasi ang presidente at ako ay presidential daughter.

Nag chant ng “Archives, archives, please review.”

Archives. Nakasave daw lahat ng mga footage doon.

Tinawag ko ulit si hey, google.

Di pa natatapos magsalita, kontra agad ni Mama, “You are a big liar.”

Tapos matatawa ka na lang.

Photo by Dark Indigo on Pexels.com

Kami ang may-ari ng RCBC Yuchengco Tower 1 and 2. Meron kaming 6000+ na kotse na naconvert to Uber. 59 ang RORO namin. Nabili na ni Mama yung building na tinitirhan namin ngayon pati yung kapitbahay namin na building.

200 units ng eroplano na pang international flight. Pati yung Toyota Display Center binenta na daw sa kanya. Sa akin daw ipapamana. Sabi ko, “Yun lang? E ang dami nyong ari-arian.”

Meron syang 10000 piraso ng libreta. Lahat nasa Central Bank.

Yung bestfriend ko nung college, sya yung kausap nya na nagmamanage ng pera nya sa Central Bank.

May mga scholars sya Marinduque. Nakagraduate na yung unang batch.

Sampung kwarto sa Burj Kalifa. Tigigisa kaming magkakapatid. Yung 5 sa kanila ni Daddy.

Sa Lemery, kotse nakahabilin sa simbahan yung 4 na bus, 6 na hilux, 6 na Montero.

Maiinis pero hindi matitiis. Hug na ulit.

~a 15 minute usual morning conversation with Mama.

In other news, announced na kanina. After May 15, NCR will be on modified enhanced community quarantine.

At sa kadahilanang buwan ng Mayo ngayon, pinopromote ko ang Mental Health Awareness Month. #mentalhealthawareness #manyfacesofmentalhealth

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s