Gumising ako kanina sa sakit ng tiyan. Naiihi na pala ako at ‘di na kaya tiisin ng pantog ko.
Mas maaga ako nagising ngayong araw kumpara sa mga normal na araw. Ay wow, Normal. Ano na nga ba ang normal ngayon?
The New Normal
My new normal (lockdown edition). Gigising. Magchecheck ng phone. Babati ng good morning. Magpapasalamat kay Lord. Kakain ng agahan na naihanda at nailuto na ni Mama. Gumigising sya ng sobrang aga. Alas tres? Alas kwatro? Yun na kasi nakasanayan nya. Since school days, maaga sya gumising para ipaghanda at ihanda kami papasok ng eskwelahan.
So mabalik sa new normal.

Pagkatapos ng kain, magiimis ng kaunti. Scroll scroll na ulit. Makikibalita sa mga latest news, latest hanash, latest na mga pinag-dedebatehan. Pero sakto na lang. Di na masyado nagpapakalulong sa feeds ng social media.
Nakawire na yung utak ko sa umaga para maghanap ng mapapakinggan o mababasa o makukutingting.
Check ng investagram. Yung mga napiling kumpanya para paglaanan ng pera ay hindi naman gumagalaw. Excited kasi masyado eh hindi pa natatapos basahin yung mga lessons sa stock trading.
May nabasa ako sa isang blog, hindi raw ideal ang long term investment sa Philippine stocks. Kung habol mo ay long term, doon ka raw sa stocks ng mga kumpanya na stable ang ekonomiya.
Old Habits
Mag-oopen ng laptop. Minsan magchecheck ng email kahit 3 to 4 hrs pa yung start ng shift. Para lang mamindset kung madami ba akong gagawin ngayon. Buti naman walang mga escalations. Mahirap din kasi tanggalin yung nakasanayan. Dati kasi, yung wala ka pa sa opisina, kakagising mo pa lang, tadtad na ng escalations yung balita sayo. Yung tatanungin ka na ng update e hindi mo pa nga alam ano yung background ng issue. Kaya nakasanyan ko na magbasa ng email sa sa umanga para may background na ako ng mga nagyayari. Pero buti na lang wala na masyado ganung eksena these days.
Kanina, naipagtina ko pa si mother. Ang tagal na nya kasi naffrustrate dahil ang dami na nyang puting buhok. Palagi sya bumababa para silipin yung parlor na malapit. Kahit ilang beses na namin sinabi na nakalockdown, ayun nga, di pa rin sya naniniwala. Pero nafufrustrate sya kasi nga di sya makapagpapedicure, manicure, foot spa at makulayan ang buhok.

Inspiration
Bigla bigla na lang sya dumadating. Minsan 3 seconds lang. Minsan 1 minute. Sa daming distractions (kahit nasa loob ka lang ng bahay), kapag hindi mo pinagtuunan ng pansin yung “inspiration”, magiging perspiration na lang. Kaya ito, sulat na naman.
Modified ECQ
From Community Quarantine, naging Enhanced Community Quarantine na naging Extended Community Quarantine. Simula May 16, Modified Community Quarantine ang NCR. See you soon, General Community Quarantine.
One thought on “COVID-19 Diaries Day 60 New Normal, Old Habits & MECQ”