
I want your life to be remembered forever, so here goes.
This was you on your first week at home. Kasya ka pa sa ilalim nung narra. You sleep just like a baby. Naalala ko pa nung first time ka nilabas ni Alyssa sa bahay nila sa Ibaba. Ang quiet mo lang, mukhang mabait. Parang at home ka agad. Tuwang tuwa naman si mama nung nakita ka.
Ikaw ang unang aso na pinatira sa loob ng bahay. Ayaw ni daddy nun, pero naearn mo yun.
Roommates tayo. At ihi ka ng ihi kung saan saan. Bawat gising may pupunasan at may dadakutin.

Nag potty training tayo. Niresearch ko pa yun. Nakakatuwa. Nabawasan pag iihi sa sahig to totally wala na sa umaga.
May panahong para kaming may sanggol na inaalagaan dahil sa puyat kasi manggigising ka sa umaga kasi iihi ka na.
‘Laking sira ng ulo’, yan ang common expression dito everytime ikaw ang center of attention sa bahay.
Si mama, lagi ka hagihagilap. Maalimpungatan lang, hahanapin sa mga ilalim ng kama to make surr nasa loob k ng bahay at di pagala gala.
Kapag hindi ka makita, lalabas talaga si mama ng compound para hanapin ka. Yung tatakbo ka pag narinig yung ‘uwi! Uwi! In high pitch.

Marunong kang kumatok at magbukas ng pinto pero hindi marunong magsara.
Ikaw ang hanap namin every after meeting.
Yung bad boy ang peg mo pero gustong gusto rin na nilalambing.
Gusto mo guard dog ka at lagi nakabantay sa pintuan at nag-aabang ng dadaan at matatahulan. Gustong gusto mo yon.
Tawang tawa kami kapag may nadidiscover kang bago, like yung pagtambay sa ilalim ng L300. Paranh nasa dugo mo talaga ang pagiging aspin.
Yung madalas ka may ngatngat na patpat o bunot at dinadala mo pa hanggang loob ng bahay.
Lagi special ang pagkain mo na prepared ni mama.
Parang apo na ang turing.
Si ‘binata’, si ‘apo’
Ganda lagi ng pics mo sa camera ni charm. Parang laging camera ready. Alam kapag may camera at instant nakapose
Thank you for all thr times na pinasaya mo kami.
I have personally never felt connected to a dog like this before.
Featured ka sa ibang meetings ko, nakikisagot ka rin.
Lagi tayo may garden time sa umaga at sa hapon.


Tambay time naman habang nag aantay ng pm shift.
Andun ka kung nasan kami.
Malungkot ka kapag malungkot kami.
Kapag stressed na kami, alam mo paano kami pakalmahin.
8 months with us felt like a long time.
You left us so sudden. It was heart wrenching watching your video being revived. May mga tanong kami. Mga bakit. Mga what if’s. I hope you know how thankful we are for you coming to our life.
Ang tahimik ng bahay but your pawprints are forever in this house and in our hearts.
Thank you for being a blessing in our life. Our baby, friend, office mate, companion, our stress reliever, our emotional support dog all in one. 2021 was bearable because of you.
We love you, Duts. Run free.
