Day 23 of Manila Quarantine.
Day 21 of ECQ.
17th day of WFH.
I’ve only been out in the streets for like 3 times since the ECQ.

Ang lagi ko lang naiisip these days ay yung kelan kami makakauwi ng Batangas. If this gets extended, this can go on until the end of the month. Bye, long weekends. Still hoping though that everything is better at pwede makauwi sa May 1 long weekend.
What if nakauwi kami before ECQ. Di sana nakakabaliw. Yung di ka lumabas ng bahay vs di ka makalabas ng bahay are still 2 different things. Kailangan maalagaan yung mental health.
Bakit di ako nakauwi? Kasi si Mama, ayaw sumama pauwi ng Batangas. Kulang na lang buhatin namin para lang makasama. Naglupasay na ko, tumaas boses, umiyak, gumawa ng fake letters. Pero wala. Sabi nya, kami na lang daw muna umuwi. Eh kaso, di sya naniniwala sa ECQ. Kung umuwi kami, edi hanggang ngayon di pa kami nakakaluwas. Gawa gawa lang daw ang ECQ. Ayaw nya magtravel kasi delikado raw. (combined paranoia and delusions).
Halos everyday tntry namin iconvince si Mama. Tintry idaan sa logic. Pero most endings ng conversations ay ‘tama na’ or nagkakataasan ng boses or nasasabihan kaming tan-ga. Pero after a few, ok naman na ulit. Di na galit si mama. Tapos repeat cycle na ulit. Kanina medyo nacoconvince na namin sya umuwi. Binibigyan ko ng deadline. Kapag di dumating yung inaantay nyang appointment in 2 weeks, kako uuwi kami. Sabi nya gabi raw kami umuwi. Ittry ulit bukas.
One thought on “COVID-19 Diaries Day 23”